Most Recent

Latest Updates

Buwan ng Wika 2024 (Layouts and Templates), Free Download

DM No. 038, s.2024 (Buwan ng Wikang Pambansa 2024)

  1. Alisunod sa itinakdang Proklamasayon Blg. 1041, s. 1997, ang Buwan ng Wikang Pambansa 2024 ay ipagdiriwang sa Agosto 1-31, 2024 sa pangunnguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
  2. Para sa sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ipinatutupad ang KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 08-02 Serye 2024 na nagtatakda ng temang “FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA” na naglalayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.
  3. Layunin ng Buwan ng Wika 2024 ang sumusunod:
    a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
    b. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito;
    c. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
    d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinos sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at
    e. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.
  4. Makikita sa kalakip na memorandum na ito ang mga suhestiyong gawain na hinati-hati sa limang lingguhang tema para sa isang buwang pangdiriwang:
Petsa Tema
Agosto 1-3 Filipino Sign Language (FSL) tungo sa Ingklusibo sa Pambansang Kaunlaran
Agosto 5-10 Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran
Agosto 12-17 Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research
Agosto 16-23 Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa
Agosto 26-31 Paglaban sa Misinformation (fact checking)

5. Sa pagsasagawa ng mga nabanggit na gawain, dapat tiyakin ang pagtalima sa DepEd Order (DO) No. 9, s. 2005 (Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith) na hindi ito makaaabala ng regular na klase. Gayundin tiyakin ang pagsunod sa mga tuntuning isinaad sa DO 66, s.2017 (Implementing Guidelines on the Conduct of Off-Campus Activities) kaugnay sa pagsasagawa ng mga Off-Campus Activitiy.

Download DM No. 038, s. 2024


Buwan ng Wika 2024 (Layouts and Templates), Free Download
Buwan ng Wika 2024 (Layouts and Templates), Free Download

Free downloadable layouts and templates for the celebration of Buwan ng Wikang Pambansa 2024.

Wikang Pambansa 2024 (Templates) Action

No comments

LATEST UPDATESSRI 2024 Click Here

×